TM 9-Ball players sali sa Hope All-Filipino

Ang susunod na hene-rasyon ng mga billiard greats na tinaguriang ‘Ang Bagong Sibol" ay nakatakda lumahok sa Hope All-Filipino billiards tournament na inorganisa ng Puyat Sports and Jemah Television.

Ang mga baguhang cue artists, na susubukan ang daigdig ng mga propesyunal sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng TM 9-Ball Philippine Champions League, ay magtatangkang makarating sa top 16 ng Hope tournament, na nagla-layun na pagsama-samahin ang mga pangunahing billiard players ng bansa kontra sa mga rising stars ng naturang sport.

Binuksan ni Ramon Tua-son, founder ng Philippine 9-Ball Champions League, ang pintuan para sa kanyang mga players na lumahok sa elimination rounds sa pag-kakansela para sa qualifying P1,000,000 tournament.

Show comments