Lahat na lang si Ren Ren!
Kinapitan ng suwerte ang pabalibag na pagtira ng tres ni Ritualo bago maubos ang oras sa regu-lation upang hatakin ang extra period ng labanan at si Ritualo rin ang umiskor ng apat na sunod na free-throws na naglagay sa Express sa komportab-leng kalamangan tungo sa 109-106 panalo laban sa Coca-Cola kagabi sa Araneta Coliseum.
Dahil dito, buhay na buhay pa rin ang pag-asa ng Express sa awtoma-tikong semifinal slot sa kasalukuyang Gran Matador PBA Fiesta Conference matapos itala ang ikaapat na sunod na panalo at ika-siyam sa kabuuang 16-laro na nagsulong sa kanila sa pakikipagtabla sa walang larong San Miguel sa 9-7 record sa likod ng nangu-ngunang Talk N Text (11-6) na sinusundan ng Alaska sa 10-7 karta.
Kailangan lamang maipanalo ng Express ang kanilang huling dala-wang asignatura laban sa Red Bull at FedEx para maging contender sa two-two spots na pagkaka-looban ng diretsong biya-he sa semifinal round na nangangahulugang hindi na nila kailangang du-maan sa wild card phase at sa quarterfinals.
Dahil sa patuloy na pagkawala ng suspendi-dong si Rafi Reavis na dinagdagan pa ng pagka-ka-injured ni John Arigo sa kanilang nakaraang laro, walang nagawa ang Tigers kundi lagukin ang kanilang ikalimang sunod na talo at ika-12 sa kabu-uang 17 laro kaya sigura-dong nasa disadvantage na sila sa susunod na round dahil sigurado na sila sa kulelat na No. 10 spot.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Sta. Lucia (9-8) at Purefoods (7-9).