Pormal na inilunsad kahapon ang summer bikathon na inorganisa ng T & G Tourism Development Corp. at ng Dynamic Outsource Solu-tions, Inc. (DOS-1) sa tulong ng Department of Tourism, ang Golden Tour sa Dragon Gate Restaurant sa Roxas Blvd. kahapon.
Ang karerang ito ay may kabuuang 1,492.59 kilometro na dadaan sa mga pangunahing lungsod ng Luzon, na mas mahaba sa inaugural race noong 1956 kung saan nagkampeon si Antonio Arzala, na bibigyan ng citation sa isang programang gaganapin sa Alaminos, Panga-sinan kung saan magkakaroon ng rest day ang karera sa May 31.
Ang siyam na teams na mag-lalaban-laban kabilang ang Go21, Ang Bagong Touch Mobile, Guerrero Brandy, Colt 45, PLDT, ang Vat Riders ng BIR at Bureau of Customs at dalawa pang teams na hindi pa matukoy.
Mga dating champions ang tatayong coach at team captains. Pangungunahan ng mga two-time Tour champions na sina Carlo Guieb at Renato Dolosa ang mga coaches kasama sina Gerardo Igos, Rolando Pagnanawon, Armando Catalan, Romeo Bonzo, mga beteranong coaches na sina Hector Padilla, Cesar Labramonte at Ceferino Bacunawa.
Kabilang naman sa mga team captains ay sina 2002 Air21 Tour Pilipinas champion Arnel Quirimit, 2004 Sprint King Enrique Domingo, 2001 Tour revival race na Calabarzon champion Santy Barnachea, 1998 champion Warren Davadilla, 2004 Rookie of the Year Baler Ravina, Lito Atilano, Frederick Feliciano, Eusebio Quinones at Reynaldo Navarro.
Magsisimula ang Karera sa May 26-Marikina-Lucena; Lucena-Tagaytay; Tuy, Batangas-Tagay-tay; Malolos-Olongapo; Olongapo-Alaminos; rest day sa May 31; Linggayen-Vigan; Vigan-Baguio; Baguio-Baguio; Baguio-Angeles; at ang finale ay ang Manila Criterium. (Ulat ni CVOchoa)