^

PSN Palaro

General Adducul

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Kung hindi pa rin makapaglalaro sina Eric Menk, Andy Seigle at James Walkvist sa Barangay Ginebra, tiyak na mahaba-habang playing time na naman ang maibibigay kay Romel Adducul.

Sa tutoo lang, hindi naman nagagamit si Walkvist, e. Isang game pa lang ang nalalaro niya sa kasalukuyang PBA Fiesta Cup. Si Seigle naman ay may average playing time na 12.9 minutes sa sampung games.

Sa mga local frontliners ng Gin Kings, si Adducul ang ikalawang pinaka-exposed sa average na 20.13 minuto sa 15 games. Si Menk ay may exposure na 33.54 minuto sa 13 games.

Kaya naman may nagtataka kung bakit napabalitang nagrereklamo si Adducul sa kanyang playing time bago nasuspindi ang tatlong Fil-foreigners na nabanggit. Hindi naman kasi pwedeng habaan nang todo-todo ang kanyang playing time dahil sa ang isa sa tatlong spots na ukol sa frontliners ay sa import na. Halos 40 minuto na ang lalaruin ng import nila o sobra pa dun.

Kumbaga, ang dalawang spots para sa frontliners ay paghahatian ng napakaraming manlalaro. Bukod kina Menk, Adducul, Seigle at Walkvist, nandiyan pa ang mga tulad nina Migs Noble at Estong Ballesteros. Hindi nga nagagamit si Ballesteros, e. Dalawang games pa lang ang nalalaro nito sa Fiesta Cup samantalang si Noble ay nakapaglaro ng anim na games.

So, mahirap din ang trabaho ni coach Bethune Tanquingcen sa pagbalanse ng playing time ng kanyang mga frontliners. Talagang may maaapektuhan at may magsasakripisyo. Ang hangad ni Tanquingcen ay ang maging handa ang lahat ng manlalaro niya gamitin man o hindi.

Kaya naman nang masuspindi ang mga Fil-foreigners, nagamit nang husto si Adducul. At nagpakitang gilas siya. Hayun at siya ang pinarangalan bilang Player of the Week ng PBA Press Corps matapos na mag-average ng 16.5 puntos at 11.5 rebounds sa kanilang panalo kontra San Miguel Beer (78-74) at Coca-Cola (90-84) noong nakaraang linggo.

Alam naman ni Tanquingcen ang kahalagahan ni Adducul sa team, e. Kaya nga ipinamigay na nila si Zandro Limpot sa Purefoods noong nakaraang conference kapalit ni Seigle. Kung nasa Ginebra pa si Limpot, e di lalong karampot ang magiging playing time ni Adducul.

E, dahil si Seigle ay hindi naman naghahangad ng mahabang playing time bunga ng pangyayaring lagi naman itong nai-injure, si Adducul ang siyang nagiging katuwang ni Menk.

Marahil ay nami-miss ni Adducul ang role niya bilang main man. Kasi nga, ito ang papel na ginampanan niya sa Metropolitan Basketball Association. Pero kung magtitiyaga siya at magsisikap nang husto, makukuha niya itong muli.

ADDUCUL

ANDY SEIGLE

BARANGAY GINEBRA

BETHUNE TANQUINGCEN

ERIC MENK

ESTONG BALLESTEROS

FIESTA CUP

KAYA

NAMAN

SEIGLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with