Winalis ang kanilang naunang dalawang asig-natura sa isang mahusay na panalo, mahigpit na paborito ang Lady Archers na manalo laban sa Lady Pirates bagamat inaasahang pipiliting bumangon ng Muralla-based spikers mula sa kanilang dalawang sunod na kabiguan upang palakasin ang kanilang kampanya sa tournament na ito na itinataguyod ng Shakeys Pizza.
Nakatakda ang sagupaan ng Lady Archers at Lady Pirates sa alas-3 ng hapon, habang isusunod ang paghaharap ng UST-Ateneo sa alas-5 ng hapon. Ang highlights ng dalawang nasabing laro ay ipalalabas sa IBC-13 simula sa alas-7 ng gabi bukas, ayon sa organizing Sports Vision Management Group, Inc.
Nakasandig sa matikas na puwersa ng tambalang Michelle Carolino aty Maureen Penetrante, umiskor ang second conference champion Lady Archers ng panalo 25-21, 25-20, 25-20 na panalo laban sa Far Eastern U netters upang makasalo ang SSC belles sa lide-rato.
Sa kabilang dako naman, tangka naman ng Tigresses na masundan ang kanilang 25-16, 25-19, 25-17 pananaig laban sa Lady Pirates noong Huwebes na ang nasabing panalo ang naghatid sa UST na makabalik sa kanilang kampanya matapos na mabigo sa Lady Stags sa opening ng tournament na ito na suportado rin ng Accel, Mikasa, IBC 13 at Jemah Television.
Ngunit siguradong hahataw ang Ateneo na babanderahan nina Amelia Guanco, miyembro ng RP team na nagbigay sa bansa ng huling Southeast Asian Games gold medal sa Singapore noong 1993 katulong ang maliit ngunit mabilis na si Charlie Tan na miyembro naman ng Philippine Sports Commission squad na nakarating sa semifinals noong nakaraang conference.