Women's national team patuloy ang pananalasa
May 20, 2005 | 12:00am
PUERTO PRINCESA CITY Patuloy ang pagpapakitang-gilas ng mga miyembro ng womens national team sa 2005 National Youth and Wo-mens Amateur Boxing Championships sa Puerto Princesa Coliseum.
Sinisiw nina Gretchen Abaniel ng Puerto Princesa (PPC-A), Alice Cate Aparri ng Baguio-A at Josie Gabuco ng Palawan ang kani-kanilang kalaban sa pinweight division upang makausad sa semifinal round. Lahat ay nagwagi sa pamamagitan ng referee-stopped-contest (RSC).
Nangailangan lamang si Abaniel ng 47 segundo upang igupo si Perayjie Baya ng University of Baguio, ginapi naman ni Aparri si Jeremie Tabastabas ng PPC-D at masyadong malakas si Gabuco para kay May Joy Cacal ng PPC-D.
Nakatakdang harapin ni Abaniel si Marian Avestros ng PPC-C na tumalo kay Areanne Jamin ng Zamboanga sa pamamagitan ng RSC-Outscored para sa pag-asinta sa gintong medalya sa isang linggong paboksing na inorganisa ng Amateur Boxing Association of the Philippines na pinamumunuan ni Manny Lopez at suportado ng City Government ng Puerto Princesa sa pamamagitan ni Mayor Edward S. Hagedorn.
Pitong boksingero mula sa defending youth champion Panabo City, Davao del Norte at 9 mula sa Puerto Princesa ang umusad sa semifinals matapos umiskor ng panalo noong Miyerkules ng gabi at ang mga ito ay nakakasiguro na ng bronze medals.
Ang mga semifinalists ng Panabo City ay sina Donald Olivar (junior light pinweight), Jonathan Tawa (cadet pinweight), Rolando Saiden (cadet light flyweight), Jaime Quitoriano (cadet flyweight), Charlie Suarez (cadet light bantamweight), Ruel Adog (cadet bantamweight) at Glen Canteveros (junior light pinweight).
Sa kabilang dako ang mga taga-Puerto Princesa naman ay sina Cesto Muyco (junior light pinweight), Elmer Manago (junior pinweight), Mark Paduga (junior light flyweight), Frederick Mad-rona at Feery Escote (junior light bantamweight), Elmer Hugo (cadet flyweight), Allan Idusura (cadet light bantam-weight), Mark Linganay (cadet bantamweight), at Christopher Zabanal (jr. light pinweight).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended