Parusa ni Goliath
May 19, 2005 | 12:00am
Mula pa noong panahon ni Wilt Chamberlain hanggang kay Shaquille ONeal, nasabi nang walang nagmamahal sa mga higante. Ayon sa mga kilalang sentro, hinahayaan ang mga mas maliliit na manlalaro na bugbugin sila, kahit nasa-saktan na sila, dahil lamang napakalaki ng agwat ng kanilang galing at laki sa kanilang mga nakakalaban.
Ito ang nirereklamo ngayon ng Purefoods, dahil animoy trosong itinutumba ng mga mangangaso ang kanilang import na si Lorenzo Coleman. Hindi makakapaglaro si Coleman para sa Purefoods ngayong araw sa Malolos, Bulacan, dahil suspendido siya. Iwinasiwas ni Coleman ang kanyang mga siko bilang paghihiganti sa mga nakakasakit sa kanya na hindi umano pinipituhan ng mga referee.
"It gets to a point where they realize Hey I can get away with this," paliwanag ng seven-footer. "Then they take it to another level, then to another level. I dont want to get get hurt."
"Our import now gets a lot of attention underneath," sabi ni Ryan Gregorio, head coach ng Purefoods. "We dump the ball inside, and there are two, three guys on him. This opens things up for our three-point shooters."
"Para kang nakakakita noon ng mga higanteng naglala-kad," alala ni Ronnie Magsanoc, assistant coach ng Purefoods, na naglalaro sa PBA noong huling nagkaroon ng mga ubod ng laking mga import. "Pag natabig nila ang mga local players, matatawa ka, dahil umuusog talaga, e."
Pinuntahan ni Gregorio ang PBA technical committee noong Lunes, upang ipakita ang mga videotape na nagsasa-larawan ng pambubugbog na diumanoy natatamo ni Coleman sa laro. Ilang ulit na raw siyang tinatamaan ay hindi pa tinata-wagan ng foul dahil lamang malaki siyang tao.
"We hope that they see that theyre punishing someone for being a strong guy," dagdag ni Gregorio. "And a foul is a foul, even if youre a seven-footer."
"After this, I do want to play somewhere else, you know," sabi ni Coleman.
"And if I want to have a career, I dont want to get hurt."
Ayon sa coaching staff ng Purefoods, kung may mga iba pang higante sa liga na hindi lampa at kasing galing ni Coleman, hindi sana ito magiging problema. Pero, para sa ngayon, tila pinapasan ni Coleman ang parusa ni Goliath.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am