Tinalo ng 13 anyos na bronze medalist noong nakaraang taon na si Alpar si Arnel Tapang ng Manda-luyong City sa pamamagitan ng second round stoppage sa Kids 29kg division. Naka-sama niya ang mga naunang qualifiers at kababayang sina Julius Espelita (42-kg School Boys) at Mark Joseph Parrenas (27-kg Kids).
Nakasiguro na ng bronze medals ang Cadiz boxers sa isang linggong slugfest na inorganisa ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) na pina-mumunuan ni Manny Lopez at suportado ni Mayor Edward S. Hagedorn, ang nagtatag sa sports tourism sa bansa.
Ang Panabo City na suportado ni Rep. Antonio Floreindo, ay nakabango mula sa hindi magandang simula nang walisin nito ang anim nilang laban.
Tinalo ni Radjie Tabanao si Dom Clinton Aclinen ng Baguio City (Kids) sa referee-stopped-contest may 36 seconds pa sa second round habang binugbog naman ni while Jonathan Tawan si Nelvin Pagayona ng Puerto Princesa City-C sa pama-magitan ng RSC-head blows decision may 41 segundo lang sa unang round para sa Cadet division. Sa Cadet pa rin, nangailangan si Reggie Virador ng dalawang rounds upang igupo si Aris John Abian ng Zamboanga.
Nanaig din para sa Panabo City sina Glen Canteveros (School Boys), Mark Anthony Barriga (Kids) at Rolando Saiden (Cadet).
Ang mga iba pang nag-wagi ay sina Eric delos Angeles ng Palawan-B (Kids), Romsane Sarguilla ng Cotabato Province (Kids), Jeff Rodriguez ng Palawan-A (Kids), Jill Lubaton ng South Cotabato (Cadet), BJ Dolorosa ng Cadiz (Cadet), Jonh Mark Apolinario ng Sarangani (Cadet), Mark de Asis ng Puerto Princesa City-C (Junior), Lordvemen Bautista ng Puerto Princesa City-A (Junior), Joey Abrea at Bobby Badua ng Narra Palawan-A (Junior), Mark Guzman ng Puerto Princesa City -B (kids), Jobert Habana ng Bago (school boys), Richard Pasylo ng Sarangani (Cadet), Froilan Saludar ng Kapalong (Cadet), Jeff Macaranas ng Pangasinan (Cadet), Sandy Ubas ng ComVal (Cadet), Jun Aborot ng Camiguin (Cadet), Romel Asenso ng Cotabato (Cadet), Chris Zabanal ng Puerto Princesa City -A (School Boys), Swanny Valencia ng Palawan-A (School Boys), at Ranjay Gudilasao ng Kapalong (School Boys).