Celebrity Pro-Am papalo ngayon

LIPA CITY – Ang mga glamoroso at malalakas na politiko ang kabilang sa 160 players sa tee-off ng Celebrity Pro-Am na opisyal na hudyat ng 89th Philippine Open sa Malarayat dito.

Papaluin nina First Gentleman Jose Miguel ‘Mike’ Arroyo at POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco ang ilang ceremonial drives sa pagsisimula ng pinakamatandang national championship sa Mt. Makulot at Lobo nines.

Ang tee-off ay sisimulan sa ganap na alas-8:30 ng umaga sa pamamagitan ng shotgun style.

Inimbitahan din sina Senator Lito Lapid at Ralph Recto, Games and Amusements Board chairman Eric Buhain, Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee chair Obet Pagdanganan at dating winner Ben Arda.

Pamumunuan naman nina matinee idol sportman Richard Gomez at dating Parañaque Mayor Joey Marquez ang mga showbiz personalities sa 40 team side event bago ang regular action sa $200,000 Asian Tour title na magkatulong na suportado ng San Miguel Corp. at ICTSI na sisimulan naman bukas.

Ang awarding, na dadaluhan ni Lipa Mayor Vilma Santos-Recto bilang guest of honor, ay gaganapin sa Malarayat Ballroom pagkatapos ng cocktails at dinner na iho-host ni Arch. Antonio Turalba Sr., chairman ng 27-hole complex.

Show comments