^

PSN Palaro

Puerto Princesa nagpasiklab

-
PUERTO PRINCESA CITY – Nagpasiklab ang host Puerto Princesa City upang sapawan ang magandang panimula ng pagtatanggol ng korona ng defending champion Panabo City noong Lunes sa 2005 National Youth and Women’s Amateur Boxing Championships sa Puerto Princesa Coliseum.

Sinimulan ng first-timer na si Arthuro Rendoge ang pananalasa ng Puerto Princesa City-C sa tournament na ito na inorganisa ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) at suportado ng city government ng Puerto Princesa sa ilalim ni Mayor Edward S. Hagedorn at Kagawad Roger Castro, nang kanyang igupo si Adwin Abawag ng Samar, 12-5, sa School Boys pinweight (45 kgs) division.

Ito ang naging mitsa ng eksplosibong pagbubukas ng kampanya ng host team na hindi nakasali sa national noong nakaraang taon ngunit nakabawi ngayon sa torneong ito na may 25 participating teams na binubuo ng 55 boxers.

Pinabagsak ni Rendoge si Abawag sa kanyang malulutong na right straights sa panga na nagpuwersa sa referee na bigyan ang Samareno ng standing eight-counts sa second at third rounds.

Pinagbigyan naman ni Lorenz Tesorio, isang incoming freshman sa Sicsican High School at kumakatawan din ng Team Puerto Princesa-C, ng isang puntos lamang si Dexter Dulnuan ng Baguio City kontra sa kanyang 15 upang makasulong sa susunod na round ng Kids 28-kg division.

Tanging ang bronze medalist na si Jeolan Bonghayong ang nanalo sa Panabo City nang kanyang pabagsakin si Marvin Antipuesto ng Puerto Princesa-D sa first round ng School Boys light mosquito category.

ADWIN ABAWAG

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

AMATEUR BOXING CHAMPIONSHIPS

ARTHURO RENDOGE

BAGUIO CITY

CITY

DEXTER DULNUAN

JEOLAN BONGHAYONG

PANABO CITY

SCHOOL BOYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with