Si Rich at ang parents niya
May 17, 2005 | 12:00am
Masaya palang kausap sina Mr. Rudy and Mrs. Marivic Alvarez, ang magulang ni Rich Alvarez ng Shell Turbochargers.
Nag-guest si Rich, na endorsers ng Burlington socks-- sa opening ng Burlington Friendship Cup noong Sunday sa Philippine Buddhacare Academy gym.
Okay kausap ang mag-asawa at siyempre tulad ng ibang magulang very proud sila sa kanilang si Rich Alvarez na hanggang ngayon ay mahiyain pa rin.
Una ko kasing na-meet si Rich noong Vietnam SEA Games kung saan member ito ng National team na nagkampeon sa SEAG.
Mahiyain na siya noong una at ngayong nasa PBA na siya mahiyain pa rin. Ito ang wika ko kay Mang Rudy na nasa tabi ko.
Very loving at grabe ang pagka-close ni Rich sa kanyang parents. Well kaya naman siguro mabait si Rich, kasi mabait din yung parents nya at walang yabang sa katawan. Mukhang walang inililihim si Rich sa mga magulang at very open ang kanilang communication.
Noong una kasi akala ni Rich ang mga players na aabutan niya sa opening ay pawang mga teenagers. Hindi niya akaling karamihan pala dito ay mga empleyado na o nagwo-work na. So yung hinanda niyang speech hindi na niya itinuloy kasi nga hindi bagay. Lapit agad si Rich sa Dad niya at sinabi ito.
Pati sa pagpili ng muse, bagamat hindi siya humingi ng advice eh panay ang text niya sa Mom niya at sinabing magaganda daw lahat at winners sa kanyang puso. Pero siyempre isa lang ang talagang winner.
Bago pa ito nakapamili eh alam na ng kanyang Mom kung anong type niya sa girl at itinuro nga sa akin ni Aling Marivic yung girl at tumpak yun nga ang nagwagi.
Kartada ni Kyla, ang magandang singer na nali-link kay Rich.
"Mabait na bata yang si Rich. Mabait din si Kyla," ani Mang Rudy na parang sa obserbasyon ko eh botong-boto ang mag-asawa kay Kyla para sa kanilang anak.
Hindi man aminin sa akin ni Rich, na pulang-pula ang pisngi ng hanapin ko si Kyla, eh iisa lang ang tinutumbok ng mga salita ng kanyang parents. Sila na nga ng maganda at mahusay na singer.
O well, bagay na bagay sina Rich at Kyla. Di ba Mang Rudy?
Nice meeting you and your wife.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am