Go21 at Touch Mobile pipili ng pinakamahusay
May 17, 2005 | 12:00am
Nangako ang Go21 at Ang Bagong Touch Mobile na pipiliin ang pinakamagaling na koponan sa darating na drafting para sa Golden Tour na ipiniprisinta ng Tanduay.
Ang Go21, na karamihan sa empleyado ay pawang mga siklista at karamihan ay pumasok sa Tour ay nangako na tatapatan ang gilas at estratehiya na kukunin ng Ang Bagong Touch Mobile na ayon sa kanilang marketing head na si Nonie Busuego ay pursigido silang makuha ang korona ngayong taon kung saan ipinagdiriwang ng maalamat na Tour ang ika-50th anibersaryo.
Nagpahiwatig ng pasasalamat si Reuben Pangan, head ng co-organizing Dos-1 sa ipinakitang interes ng Go21 at Ang Bagong Touch Mobile para sa May 26 hanggang June 5 Tour. "The competition gets hotter each day, and the Tour has yet to start," aniya.
Pangunahing tagapagtaguyod ang Osaka Iridology, Summit water at Sunbolt sa 10-stage Golden Tour na idaraos din sa kooperasyon ng Depart-ment of Tourism, na kinapapalooban ng may 1,572.6 kms.
Tulad ng mga nagdaang Tour, lalo sa Tour ng Pilipinas bibigyan pansin ang team play bagamat isa sa pangunahing laman ng cycling spectacle ay ang 40-km Individual Time Trial (ITT) third stage sa May 28.
Ang Stage 3 ang pagpapakitang-gilas ng mga national cyclists sa kanilang kakayahan sa ruta na gagamitin din sa mens ITT event sa 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre.
At hindi rin mawawala ang mapanganib na Baguio-to-Baguio na siyang trademark ng karera at para sa taong ito ang naturang yugto ay tatawaging otso-otso dahil ito ay ikawalong stage at tatahakin ang tila Number 8 na daan sa Marcos Highway, Naguillan at Kennon Road na ruta.
Ang karera ngayong taon ay hatid din ng T&G Tourism and Development Corp. na isa sa prayoridad ay ang sports tourism.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended