^

PSN Palaro

Suntukan na

-
PUERTO PRINCESA CITY – Paghahanap para sa kauna-unahang Pinoy Olympic gold medal winner sa sports na may potensiyal na makakuha ng mailap na ginto ay magsisimula na sa 21 bouts ng 2005 National Youth and Women’s Amateur Boxing Championships.

Ang hinaharap ng Philippine boxing mula sa 25 koponan na kakata-wan sa 22 local government units mula sa buong bansa ay maglalaban-laban sa susunod na pitong araw para sa titulo sa 11 divisions sa Kids‚ category, 16 sa School Boys, 13 sa Cadet at 12 sa Juniors, bukod pa sa 13 sa Women’s boxing.

Ipinaliwanag ni Mayor Edward Hagedorn ang paghahanap na ito sa Olympic gold medal sa kanyang talumpati noong opening ceremonies.

At upang higit na mabigyan diin ang National Youth and Women’s, magpapakitang-gilas si Ofelia Brin, asawa ni three-time Olympian Romeo Brin, ang kan-yang galing sa ibabaw ng ring sa kauna-unahang pagkakataon. Ang 26 anyos na guro sa San Rafael Elementary School at ina ng dalawa ay makakaharap si Asian champion at defending champion ng torneo na si Mitchelle Martinez sa nag-iisang women’s lightweight bout.

Ang mga partisipante sa Kids ay gagamit ng 8 oz. gloves habang 12 ounces naman sa ibang kategorya.

AMATEUR BOXING CHAMPIONSHIPS

IPINALIWANAG

MAYOR EDWARD HAGEDORN

MITCHELLE MARTINEZ

NATIONAL YOUTH AND WOMEN

OFELIA BRIN

OLYMPIAN ROMEO BRIN

PINOY OLYMPIC

SAN RAFAEL ELEMENTARY SCHOOL

SCHOOL BOYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with