Baste nakadalawa na
May 17, 2005 | 12:00am
Nakaligtas ang San Sebastian College sa kanilang third set mental lapse matapos mag-re-grouped sa sumunod na set upang igupo ang Far Eastern University, 25-18, 25-16, 22-25, 25-18, kahapon na nagbigay sa kanila ng solong liderato sa pamamagitan ng dalawang sunod na panalo sa kaagahan ng 2005 Shakeys V-League first conference sa Lyceum Gym.
Naglaro na punum-puno ng kumpiyansa ang SSC Spikers matapos ang kanilang nakaraang panalo sa University of Santo Tomas, ang kampeon ng inaugural season ng torneong ito at runner-up noong nakaraang taon, 10-25, 25-21, 25-22, 25-14 noong opening day noong Sabado sa Ateneo gym.
Pinangunahan ni spiker Cherry Rose Macatangay, nakuha ng Baste mula sa Letran na nagdesisyong di muna sumali sa taong ito sa pagkamada ng 27-puntos.
Dahil dito, isa nang certified title contender ang San Sebastian sa Magic Four ng tourna-ment na ito na sponsored ng Shakeys Pizza at inorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.
Sa tulong ni Macata-ngay at ng solid-hitting duo nina Jennifer Bohawe at Laurence Ann Latigay, naging madali ang panalo ng SSC Spikers sa unang dalawang set ngunit tila napaaga ang kanilang pagdiriwang sa panalo na nagbigay daan sa Lady Tamaraws na pakawalan ang solidong defensive game upang maagaw ang ikatlong set.
Ngunit muling uma-take si Macatangay, na nakakuha ng magandang feed sa setter na si Cecil Chavaz, na nahugot ng Baste mula sa FEU, na tuluyang dumurog sa Lady Tams dahil sa kanyang matutulis na kills sa fourth set upang makopo ang panalo.
"Medyo nag-relax sa third set," wika ni coach Roger Gorayeb ng San Sebastian na pumukaw ng malaking atensiyon matapos ang nakaraang pagsilat sa Tigresses.
Bumandera naman si Ruby May Rovira sa FEU sa kanyang 24 points, 19 mula sa kills, ngunit kinulang ng suporta mula sa kanyang mga kasama sanhi ng kanilang kabiguan.
Si Chavaz ay nagbi-gay ng 43 sets na tumulong sa pag-atake nina Macatangay, Bohawe at Latigay. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended