SUPER POWER?
May 16, 2005 | 12:00am
Ibinunton ng Talk N Text ang ngitngit nito sa Shell Velocity nang paliguan nila ang Turbo Chargers, 84-71 noong Biyernes para mapanatili ang pangunguna sa PBA Fiesta Cup. Kung ang final score ang titingnan ng mga hindi nakapanood, masasabing hindi naman nabugbog ang Turbo Chargers, e.
Pero ang tutoo ay 38 puntos ang inilamang ng Talk N Text sa kalaban at sa fourth quarter ay hindi na ipinasok pa ni coach Joel Banal ang kanyang mga starters pati na ang import na si Jerald Honeycutt. Ang mga second stringers na lamang ang naglaro dahil sigurado na naman ang panalo, e.
Kitang-kita sa pustura ng mga Phone Pals na "all business" sila at hindi magbibiro. Kasi nga, noong Miyerkules ay tinalo sila ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs, 88-85. Itoy sa kabila ng pangya-yaring hindi naglaro sa kampo ng Hotdogs sina Kerby Raymundo, Zandro Limpot, Michael Hrabak at Tonyboy Espinosa.
Siyempre, masakit para sa Phone Pals ang pagkatalong iyon kahit pa sabihing na-miss din nila ang serbisyo ng lead point guard na si Jimmy Alapag. Llamadong-llamado sila kontra sa Hotdogs, e.
Kung nanalo ang Talk N Text sa Purefoods, abay 11-4 sana ang kanilang record at hindi 10-5. Malayu-layo na ring distansiya iyon kontra sa sumesegundang Alaska Aces na may 9-6 matapos na matalo sa FedEx Express, 97-89 sa San Pablo City noong Sabado. Isang panalo na lang sana ang kailangan ng Phone Pals upang makaseguro ng playoff para sa automatic semifinals berth.
Pero sa takbo ng pangyayari, tila hindi na mapipigilan ang Phone Pals sa pagsungkit ng isa sa dalawang automatic semis berths. Parang fluid na fluid ang kanilang galaw at sobra ang lakas ng koponan.
Biruin mong suspendido na nga si Paul Asi Taulava ay nagagawa pa rin nilang manalasa. At suspendido na rin si Alapag pero nakaka-panambak pa rin sila ng kalaban.
Sina Taulava at Alapag ang kinukunsiderang 1-2 punch ng Phone Pals. Kung wala ang dalawang ito, dapat sanay kayang-kaya na sila ng ibang koonan.
Pero hindi nga ganoon ang nangyayari, e.
At siyempre, isa din sa malaking dahilan kung bakit rumatsada ang Talk N Text ay ang pagpapabalik nila sa import na si Jerald Honey-cutt. Bagamat mas maliit si Honeycutt kaysa sa mga ibang imports sa torneo na nagtatalaga ng unlimited height, naibibigay nito ang mga numerong kailangan ng Phone Pals. Idagdag pa rito na kabisado na niya ang kanyang kakampi at vice versa.
Kumpara kina Earl Ike at Noel Felix na mga naunang sinubukan ni coach Joel Banal bilang import ng Talk N Text, abay mas matindi pa rin si Honeycutt. Kaya nga nakakapanghinayang pa ang perang ginastos kina Ike at Felix. Dapat, sa umpisa pa lang ng torneo, si Honeycutt na kaagad. Kung ganoon ang nangyari, baka nakuha na ng Phone Pals ang automatic semis berth ngayon pa lang!
BELATED birthday greetings kay Jesusa Tita Zamora-Guiang na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Mayo 13. Gayundin kay Melvin Sarangay (May 5).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am