Cardona, ayaw paawat
May 16, 2005 | 12:00am
Wala na talagang makakapigil sa nag-iinit na galing ni Mark Cardona sa hardcourt.
Bitbit ang galing sa drives at hindi matatawarang galing sa pagkamada ng basket, ang 23 anyos na manlalaro ay naging pambato ng Harbour Centre upang patatagin ang kanilang outright semifinal bid.
Sa panalo nila sa isang pisikal na laban noong nakaraang Martes kontra sa Toyota Otis Letran na nagbigay sa kanila ng 89-67 panalo, ipinakita ni Cardona na kahit nagtamo ng sugat sa ulo at sa bandang itaas ng ilong, nakapagtala pa rin siya ng 20 puntos at isang steal.
Pagkatapos ng dalawang araw ay humarap na naman ang magaling na manlalaro na nagtala ang 17 puntos, anim na rebounds, na naging sapat sa 85-69 panalo ng Port Masters kontra sa walang suwerteng Negros Navigation.
Ang ipinakitang galing ni Cardona ang naging dahilan upang sa ikatlong pagkakataon ay tanghalin itong PBL Player of the Week.
"I fell lucky to be the Player of the Week for the third time," ika pa ng magaling na manlalaro.
Tunay na nakadagdag ng lakas ng loob at kumpiyansa ito para sa isang manlalaro. " This gives a lot of confidence for me and I feel that we can make it to the Finals although we really have to work harder," ani Cardona. (Raquel Reyes)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended