Ginebra nabuhayan ng pag-asa

Namintina ng Barangay Ginebra ang kanilang intensi-bong laro kahit na wala sina Eric Menk at Andy Seigle upang pabagsakin ang Coca-Cola Tigers, 90-84 sa pag-usad ng Gran Mata-dor PBA Fiesta Confe-rence sa Araneta Coli-seum kagabi.

Wala pa ring clearance sina Menk at Seigle para magbalik laro sa Ginebra, hindi ito naging hadlang para sa Gin Kings sa pag-tuhog ng kanilang ikala-wang sunod na panalo na higit na nag-ahon ng kani-lang karta sa 7-8 panalo-talo matapos ang anim na sunod na kabiguan.

Sinandalan ng Gi-nebra ang kanilang import na si Andre Brown na tumapos ng 27-puntos at sinegundahan naman nina Mark Caguioa at Romel Adducul ng 17 at 16 puntos ayon sa pag-kakasunod upang ma-sundan ang nakaraang 78-74 paggulantang sa San Miguel Beer sa Lucena City noong Sabado.

Nasayang ang 19-puntos na kalamangan ng Ginebra ng hinayaan nilang makalapit ang Tigers sa 82-84 papasok sa huling 1:22 minuto ng labanan.

Ngunit isang tres ang pinakawalan ni Rodney Santos upang ilayo ang Gin Kings sa 87-82, 36.9 segundo pa na muling dinikitan ng Aces mula sa basket ni Ali Peek ngunit nagmintis ito sa kanyang bonus shot para sa three-point play mula sa foul ni Brown.

Nakakuha ng foul si Aries Dimaunahan na umiskor ng dalawang freethrows para sa 88-84 kalamangan, 12.8 segun-do na lamang bago isinel-yo ni Santos ang final score mula sa freethrows din.

Bukod kina Menk at Seigle na nanatiling sus-pendido hanggang di nakakapagpasa ng doku-mentong hinihingi ng PBA, hindi rin naasahan ng Gin Kings sina James Walkvist at ang injured na si Migs Noble ngunit hindi ito naging hadlang upang ibaon ang Coca-Cola sa ilalim ng team standings matapos ipalasap ang ikatlong sunod na talo at ika-10 sa kabuuang 15-laro.

Dahil dito, nagkaroon ng liwanag ang kampan-ya ng Ginebra sa twice-to-beat advantage sa wild card phase kung saan hindi na dadaan ang top-two teams pagkatapos ng eliminations dahil diretso na sila sa semifinals bilang insentibo.

Show comments