^

PSN Palaro

National Youth and Women's Boxing susuntok ngayon

-
Inilatag na ang red carpet para sa mahigit 200 boxers na kakatawan sa 21 koponan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na lalahok sa National Youth and Women’s Amateur Boxing Championships na magsisimula ngayon sa Puerto Princesa City.

Mismong si Mayor Edward Hagedorn, nagbukas sa promotion ng sports tourism, ang nagsiguro sa mga atleta, opisyal at panauhin ng Puerto Princesa sa hospitalidad at pagkabihasa sa pag-organisa ng mga pangunahing sports event

"We welcome all the athletes, officials and guests to the City of Puerto Princesa," ani Hagedorn sa bisperas ng opening ceremonies na nakatakda ngayong alas-2 ng hapon sa state-of-the-art Puerto Princesa Coliseum.

Ang paboksing na ito, na inorganisa ni Amateur Boxing Association of the Philippines president Manny Lopez, ang isa na namang pangunahing event sa Puerto Princesa.

Ang National Youth and Women’s Amateur Championships ay tatampukan ng kompetisyon sa Kids (11 weight divisions), School Boys (16), Cadet (13) at Junior (12) at 13 weight classes sa Female category para sa boxers na higit sa 17 anyos pero di bababa sa 34 anyos.

Pormal na magsisimula ang kompetisyon sa ganap na alas-3 ng hapon bukas, Lunes, Mayo 16.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

AMATEUR BOXING CHAMPIONSHIPS

AMATEUR CHAMPIONSHIPS

ANG NATIONAL YOUTH AND WOMEN

CITY OF PUERTO PRINCESA

MANNY LOPEZ

MAYOR EDWARD HAGEDORN

NATIONAL YOUTH AND WOMEN

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA CITY

PUERTO PRINCESA COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with