NCR sa secondary, CALABARZON sa elementary
May 15, 2005 | 12:00am
Iloilo City Ang National Capital Region ang namahala sa secondary, habang ang CALABARZON naman ang nagdomina sa elementary level sa pagsasara ng 2005 Palarong Pambansa kahapon dito sa Iloilo Sports Complex.
Sumandal ang NCR sa 80-57 pagdurog ng San Beda Red Cubs ni mentor Ato Badolato kontra sa Central Visayas sa finals ng basketball event upang maging puhunan sa nakolektang 306.5 points at muling iuwi ang overall championship sa secondary division.
Sa overall medal standings, kumuha ang NCR ng kabuuang 66 gold, 51 silver at 43 bronze medals sa itaas ng CALABARZON (46-44-32) at Western Visayas (40-39-35).
Ang dalawang free-throws ni 5-foot-4 point guard Mikee Victorino, anak ni dating PBA center Manny Victorino, ang nagbigay sa NCR ng 43-25 lamang sa huling 2:36 ng second period patungo sa pagbaon sa Central Visayas sa third quarter, 72-37.
Ang naturang panalo sa basketball ang nagbigay sa NCR ng 25 points bukod pa sa kanilang 30 points sa boys at girls swimming at 25 points sa girls volleyball.
Sumegunda naman sa NCR ang Western Visayas sa naikargang 272.5 points, tampok rito ang 25 points sa kanilang 1-0 pananaig sa NCR sa football at boys volley-ball at tig-30 points sa boys at girls athletics event.
Kinuha ng CALABARZON ang tersera sa naipon nilang 168 points, kasama rito ang 20 points sa girls athletics at 15 points sa boys taekwondo.
Sa elementary category, nakapag-ipon naman ang CALABARZON ng 235 points upang kunin ang overall championship kasunod ang NCR sa naitalang 197 points at Western Visayas sa naiposteng 185 points.
Ang boys athletics at boys swimming ang naging mina ng ginto ng CALABARZON sa napitas nilang tig-30 points, samantalang may tig-25 points naman sila sa baseball at boys volleyball. (Ulat ni Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended