Tanduay, principal backer ng Golden Tour
May 15, 2005 | 12:00am
Nakakuha ng principal backer ang 10-stage Golden Tour sa katauhan ng Tanduay at ito rin ang magtatatag sa promotion ng sports tourism sa event na nakatakda sa Mayo 26 hanggang June 5.
Tataguriang "Tanduay Golden Tour, ang karera, na itatanghal sa kooperasyon ng Department of Tourism, at kapapalooban ng mahigit 1,500 kms mula sa timog sa Lucena City hanggang sa norte sa heritage-rich Vigan.
At bilang patunay sa pagdiriwang ng maalamat na golden anniversary ng tour, pararangalan ng mga organizers na pinamumunuan nina Reuben Pangan ng Dos-1 at Patrick Gregorio ng T&G Tourism and Development Corp. ang mga dakilang siklista ng bansa na kabibilangan ng kauna-unahang winner na si Antonio Arzala Jr.
"The outstanding cyclists of the Tour would be given the accolade that is due them all these years," ani Pangan. "It will be some sort of a Hall of Fame for cycling, installing to greatness our sports heroes on two wheels."
Sa katunayan, dalawang koponan na ang nagkumpirma ng kanilang partisipasyon sa Golden Tour-- ang Go21, kapatid na kumpanya ng Air21 at ang Bagong Touch Mobile. Kabilang din sa susuporta ang Osaka Iridology, Summit water at Sunbolt.
Kaunting pagsasaayos na lang sa mga stages ang kailangan matapos ang final survey na isinagawa ni Philippine National Cycling Association president Paquito Rivas
Ang mga stages ay: Stage 1 May 26-Quezon City- Lucena City 155 kms (massed start o MS), Stage 2 May 27-Lucena City - Tagaytay City 160 kms (MS), Stage 3 May 28-Nasugbu - Tagaytay 40 kms (SEA Games ITT route), Stage 4 May 29-Malolos - Olongapo 133.6 kms (MS), Stage 5 May 30-Olongapo - Alaminos 197 kms (MS), May 31 rest day, Stage 6 June 1-Lingayen- Vigan 230 kms (MS), Stage 7 June 2-Vigan - Baguio 217 kms (MS), Stage 8 June 3-Baguio - Baguio 175 kms (MS), Stage 9 June 4-Baguio - Angeles City 185 kms (MS) at Stage 10 June 5-Manila Criterium 80 kms (Luneta Circuit).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended