^

PSN Palaro

NCR sa secondary, CALABARZON sa elementary

-
Iloilo City – Ang National Capital Region ang namahala sa secondary, habang ang CALABARZON naman ang nagdomina sa elementary level sa pagsasara ng 2005 Palarong Pambansa kahapon dito sa Iloilo Sports Complex.

Sumandal ang NCR sa 80-57 pagdurog ng San Beda Red Cubs ni mentor Ato Badolato kontra sa Central Visayas sa finals ng basketball event upang maging puhunan sa nakolektang 306.5 points at muling iuwi ang overall championship sa secondary division.

Sa overall medal standings, kumuha ang NCR ng kabuuang 66 gold, 51 silver at 43 bronze medals sa itaas ng CALABARZON (46-44-32) at Western Visayas (40-39-35).

Ang dalawang free-throws ni 5-foot-4 point guard Mikee Victorino, anak ni dating PBA center Manny Victorino, ang nagbigay sa NCR ng 43-25 lamang sa huling 2:36 ng second period patungo sa pagbaon sa Central Visayas sa third quarter, 72-37.

Ang naturang panalo sa basketball ang nagbigay sa NCR ng 25 points bukod pa sa kanilang 30 points sa boys’ at girls’ swimming at 25 points sa girls’ volleyball.

Sumegunda naman sa NCR ang Western Visayas sa naikargang 272.5 points, tampok rito ang 25 points sa kanilang 1-0 pananaig sa NCR sa football at boys’ volley-ball at tig-30 points sa boys’ at girls’ athletics event.

Kinuha ng CALABARZON ang tersera sa naipon nilang 168 points, kasama rito ang 20 points sa girls’ athletics at 15 points sa boys’ taekwondo.

Sa elementary category, nakapag-ipon naman ang CALABARZON ng 235 points upang kunin ang overall championship kasunod ang NCR sa naitalang 197 points at Western Visayas sa naiposteng 185 points.

Ang boys’ athletics at boys’ swimming ang naging ‘mina ng ginto’ ng CALABARZON sa napitas nilang tig-30 points, samantalang may tig-25 points naman sila sa baseball at boys’ volleyball. (Ulat ni Russell Cadayona)

ANG NATIONAL CAPITAL REGION

ATO BADOLATO

BOYS

CENTRAL VISAYAS

ILOILO CITY

ILOILO SPORTS COMPLEX

MANNY VICTORINO

MIKEE VICTORINO

POINTS

WESTERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with