Isinaayos ng organizing Sports Vision Management Group, Inc. (SVMGI) ang mas eksplosibong mga laban upang maningning na buksan ang 2005-2006 season na magtatampok sa nasabing dalawang paaralan na inaasahang hahatak ng malaking bilang ng crowd sa Ateneo Blue Eagle Gym. Libre ang admission.
Tiyak na ang alas-2 ng hapong engkuwentro ay siguradong mas mainit pa sa tindi ng sikat ng araw.
Para sa La Salle, na nagbalik at nakipaglaban sa inaugural champion University of Santo Tomas na nanalo sa second conference ng korona, inaasahang gagawa ito ng agresibong performance upang maningning na buksan ang kanilang kampanya para sa back-to-back title.
Ngunit sa kabilang dako naman, pipilitin ng Ateneo na makagawa ng magandang debut sa Shakeys-sponsored tournament na ito kung kayat wala rin silang sasayanging sandali para pasiklaban hindi lang ang kanilang karibal na De La Salle kundi maging ang iba pang kalahok sa field na kinabibilangan ng mga top collegiate teams sa bansa gaya ng UST, San Sebastian College, Letran at Far Eastern University.
Inimbitahan sina Philippine Olympic Com-mittee president Jose "Peping" Cojuangco, na siya ring chief operating officer ng PHILSOC (Phi-lippine Southeast Asian Games Organizing Com-mittee), sa opening rites at sa ala-1 ng hapon kasama sina Shakeys Pizza general manager Vic Gregorio, at IOC representative to the Philippines Frank Elizalde.