^

PSN Palaro

Ateneo vs La Salle sa pagbubukas ng Shakey's V-League ngayon

-
Muling mabubuhay ang malalim na rivalry ng La Salle at Ateneo ngayon sa panibagong level sa kanilang nakatakdang paghaharap sa pagbubukas ng hostilidad ng Shakey’s V-League women’s volleyball tour-nament kung saan nakataya rito ang prestihiyo at karangalan sa sagu-paang ito ng dalawang pinaka-glamorosong paaralan sa bansa.

Isinaayos ng organizing Sports Vision Management Group, Inc. (SVMGI) ang mas eksplosibong mga laban upang maningning na buksan ang 2005-2006 season na magtatampok sa nasabing dalawang paaralan na inaasahang hahatak ng malaking bilang ng crowd sa Ateneo Blue Eagle Gym. Libre ang admission.

Tiyak na ang alas-2 ng hapong engkuwentro ay siguradong mas mainit pa sa tindi ng sikat ng araw.

Para sa La Salle, na nagbalik at nakipaglaban sa inaugural champion University of Santo Tomas na nanalo sa second conference ng korona, inaasahang gagawa ito ng agresibong performance upang maningning na buksan ang kanilang kampanya para sa back-to-back title.

Ngunit sa kabilang dako naman, pipilitin ng Ateneo na makagawa ng magandang debut sa Shakey’s-sponsored tournament na ito kung kaya’t wala rin silang sasayanging sandali para pasiklaban hindi lang ang kanilang karibal na De La Salle kundi maging ang iba pang kalahok sa field na kinabibilangan ng mga top collegiate teams sa bansa gaya ng UST, San Sebastian College, Letran at Far Eastern University.

Inimbitahan sina Philippine Olympic Com-mittee president Jose "Peping" Cojuangco, na siya ring chief operating officer ng PHILSOC (Phi-lippine Southeast Asian Games Organizing Com-mittee), sa opening rites at sa ala-1 ng hapon kasama sina Shakey’s Pizza general manager Vic Gregorio, at IOC representative to the Philippines Frank Elizalde.

vuukle comment

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLE GYM

DE LA SALLE

FAR EASTERN UNIVERSITY

LA SALLE

PHILIPPINE OLYMPIC COM

PHILIPPINES FRANK ELIZALDE

SAN SEBASTIAN COLLEGE

SHAKEY

SOUTHEAST ASIAN GAMES ORGANIZING COM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with