Sinimulan ni Albert Pabila ang pananalasa ng Pinoy nang mapagwagian nito ang kanyang lightflyweight bout kontra kay Nayagith Alex-ander, kasunod ng pagdispatsa ni welterweight Florencio Ferrer kay W.M.R. Wekada-pola.
Nanaig din ang mga Pinay na sina Alice Kate Aparri at Annie Albania sa kanilang flyweight at bantamweight bouts kontra kina Anusha Kodituwakku at Niluka Karunaratne, ayon sa pagkakasunod, habang binugbog ni Genebert Basadre ang kalabang si Upali Bandara sa lightwegith match.
Bumawi naman si featherweight Kamal Sameera ng Cuba-mentored Sri Lanka boxing team na naglista ng Referee-Stopped-Contest na panalo kay Francis Cotamura na sinundan ng panalo ng isa pang Sri Lankan na si Manju Wantarachchi kay Rolando Magbanua.
Ang biyahe ng mga boksingero dito na iginigiya nina Robert Jalnaiz at Roel Velasco kasama sina Felix Apostadero bilang delegation head at Darcito Teodoro bilang referee-judge ay naging posible sa tulong ng Ginebra San Miguel, First Gentleman Foundation, Philippine Sports Committee at Pacific Heights.
Isinara naman nina pinweight Josie Gabuco at light flyweight Analiza Cruz ang kanilang second round match sa pamamagitan ng kumbinsidong panalo laban kina LG Chandrika at Nilmini Jaya-singha, ayon sa pagkakasunod, habang nakabalik si flyweight Junel Cantancio mula sa unang asignaturang kabiguan nang bugbugin niya si Anurudha Ratnayake.