Laguna girl umukit ng 3 gold

ILOILO CITY – Matapos ang apat na araw na kompetisyon sa athletics, isang magandang 16-anyos na taga-Sta. Cruz, Laguna ang nagtakbo ng kauna-unahang tatlong gintong medalya sa 2005 Palarong Pambansa dito kahapon sa Iloilo Sports Complex.

Ang mga events na pinagmulan ng tatlong ginto ni Jasmine Chavez para sa CALABARZON ay sa secondary girls‚ 100-meter sprint (12.3 seconds), 100m hurdles (15.7 seconds) at sa 400m hurdles (1:04.7).

Sa kabila ng nakolektang 28 gold medal ng CALABARZON, nasa itaas pa rin ang National Capital Region sa medal standings sa kanilang nahakot na 33, habang may 16 naman ang Western Visayas.

Bukod kay Chavez, ang iba pang nanalo kahapon ay ang kanyang mga ka-tropang sina Angelito Pereyna sa elementary boys‚ javelin throw (41.99m) at Rolan Abling sa elementary boys‚ 200m run (24.9).

Ang mga pambato ng Western Visayas na humakot ng gold ay sina Jenny May Lago sa girls‚ 200m run (28.6), Razel Delideli sa secondary girls‚ 200m run (26.5) at Emmanuel De Ocampo, Jr. sa boys‚ 200m run (22.7), sina Rona Ollet sa elementary girls; discuss throw (22.51m) at Mark Anthony Madrid sa elementary boys‚ 100m hurdles (17.4) ng Bicol, si Lea Casilihan ng NCR sa elementary girls‚ 100m hurdles (17.6) at si Ebrahim Esmael ng Zamboanga sa secondary boys‚ 110m hurdles (15.7)

Sa table tennis sa SM City, tatlong ginto ang hinataw ng CALABAR-ZON mula kina Nico Paulo Cruz (elementary boys‚ singles), Martin Diaz (secondary boys‚ singles) at Casandra Bazaar (secon-dary girls‚ singles), habang may isa ang Northern Mindanao galing kay Ian Lariba (elementary girls‚ singles).

Sa boxing sa Jaro Plaza Gym, dalawang ginto ang si-nuntok ng Northern Minda-nao galing kina Michael Paragoso (paperweight) at Milan Milando, Jr. (pinweight), habang may tig-isa naman ang Western Visayas, Central Visayas at Cordillera mula kina Allan Magno (mosquito-weight), Jomarie Yuson (powderweight) at Rechie Mefranum (light flyweight), ayon sa pagkakasunod.

Sa children’s baseball sa San Agustin, pinalo naman ng CALABARZON ang ginto kasunod ang NCR at Eastern Visayas para sa pilak at tansong medalya, ayon sa pagkakasunod. (Ulat ni Russell Cadayona)

Show comments