3 records nawasak sa Palarong Pambansa

ILOILO CITY – Tatlong rekord ang nawasak, dalawa sa athletics at isa sa swimming event, sa papainit na labanan sa 2005 Palarong Pambansa dito sa Iloilo Sports Center kahapon.

Nagtayo ng dalawang bagong marka sa athletics sina Clifford John Bonjoc ng Central Visayas at Marlon Arlos ng Western Visayas sa secondary boys’ discuss throw at 400-meter hurdles, samantalang naglista naman ng bagong re-kord sa swimming si Kendrick Uy ng National Capital Region.

Nagposte ang 17-anyos na si Bonjoc ng bagong 41.62-meter sa secondary boys’discuss throw para basagin ang 1989 record na 37.16m ni Tomas Yutuc.

"Hindi ko po akalain na magiging malayo ang bato ko (sa metal plate), kasi parang mabigat ‘yung timbang," sabi ng incoming freshman sa University of Cebu, habang ibinurda naman ng 16-anyos na graduate ng Roberto Tirol National High School na si Marlon Arlos ang 1997 mark na 59.2 segundo ni Dionisio Maloto ng Southern Tagalog upang itarak ang bagong 57.1 bilis sa secondary boys’ 400m hurdles.

Sa swimming, ibinasura ng 17-anyos na si Uy ang dating 54.81 ni Ronald Guriba ng NCR noong 2002 upang itayo ang kanyang bagong rekord sa secon-dary boys’ 100m freestyle kasabay ng paghakot ng Big City sa anim pang gintong medalya.

Maliban kay Uy, ang iba pang nagbigay ng ginto sa NCR ay sina Edlyn Son sa elementary girls’ 50m breast-stroke, Josephine Pilapil sa secondary girls’ 200m breaststroke at 100m freestyle, Jasmine Al-Khaldi sa elementary girls’ 100m freestyle at ang elementary girls’ at secondary boys’ team sa 4x100m medley relay.

Sa athletics, ang iba pang nanalo sa secondary division ay sina Jeoffrey Ang ng NCR sa boys’ high jump (1.75m),Irineo Raquin ng MIMAROPA sa boys’ 3,000m steeplechase (10:07.6) at sina Stephanie Ivy Dichoso at Jasmine Chavez ng CALABARZON sa girls’ shot put (9.73m) at 400m hurdles (1:04.7), ayon sa pagkakasalansan.

Kumuha naman ng ginto sa elementary sina Rommel Burdeos ng Northern Minda-nao sa elementary boys’ 400m hurdles (1:01.2), Lea Casilihan ng NCR sa girls’ 400mhurdles (1:20.0), Vima Cuaton ng Davao sa girls’ javelin throw (31.28m), at Irin Balauran ng Central Visayas para sa bagong rekord na 10.42m sa girls’ triple jump.

Sa taekwondo sa Gaisa-no City, parehong sumikwat ng tigalawang gold ang mga jins ng Western Visayas,CALABARZON, CARAA at CRAA, samantalang isa ang nasipa ng NCR mula kay Kimberly Mae Menchavez sa bantamweight class. (Ulat ni Russell Cadayona)

Show comments