Inaasahang magiging mahigpit ang labanang ito, ngayong alas-4 ng hapon, lalo pa at ang dalawang koponan ay nagnanais na patatagin ang kampanya para sa awtomatikong semis berths.
Maghaharap ang nais na maghiganting Mag-nolia Dairy Ice Cream, na galing sa dalawang sunod na pagkatalo, ang inaalat na Negros Navigation-San Beda.
Susubukan ng Wizards ang galing ng bago nilang Fil-foreign player na si Kelly Williams, sa pag-asang hindi sila aalatin sa season-ending ng torneo. Ang 6-foot-5 na si Williams ang humalili kay Ramsey Williams na hindi naging epektibo para sa team ng Wizards.
Hindi man dapat katakutan si Williams sa outside shooting, ngunit dapat abangan ang athleticism nito, kayat maa-ring ituring na asset ang manlalarong ito.
Mayroon ding bagong manlalarong ibabandera ang minamalas na koponan ng Red Lions, sa darating nilang laban kontra sa Wizards, ito ay si Jeff Bombeo.
Nasa Harbour ngayon ang pangalawang trono na may 6-2 win-loss cards, ito ay dahil sa pagkatalo ng Welcoat kontra sa Granny Goose Kornets noong nakarang araw.
Samantala ang Montaña Pawnshop ay nanataling hari ng torneo na may 8-1 at ang Welcoat naman ay bumaba sa ikatlong puwesto na may 6-3 record.
Ang Knights ay nanalo ng tatlong sunod kayat sila ay nasa 5-3 na katayuan sa torneo, kasama sa panalong ito ay ang 80-66 kontra sa Paint Masters noong Sabado. (Ulat ni Raquel Reyes)