Shakey's V-League papalo sa Mayo 14
May 10, 2005 | 12:00am
Muling ni-renew ng Shakeys ang kanilang commitment na tulu-ngan ang pag-angat ng womens volleyball kasabay ng pagbibigay ng lugar sa mga players para mahasa ang kani-kanilang mga talento at kakayahan sa pagsambulat ng third Shakeys V-League sa Mayo 14 sa Ateneo Blue Eagle Gym.
At dahil sa kagustuhan ng mga fans na muling masilayan ang mahuhusay na netters na kanilang napanood sa naunang dalawang kumperensiya, nagdesisyon ang organizing Sports Vision Manage-ment Group, Inc. (SVMGI), na muling ibalik ang orihinal na anim na koponan na maglalaban-laban at kumpiyansa sila na masu-sustinihan ang lakas ng hatak ng naturang sports at mabilis na pagsikat sa maikling panahon pa lamang na pagdaraos nito.
Pangungunahan ng mahigpit na magkaribal na Santo Tomas at La Salle, kampeon sa naunang dalawang edisyon ng liga na itinataguyod ng nangungunang pizza parlor na Shakeys ang cast na kinabi-bilangan ng Lyceum, San Sebastian College, Far Eastern University at isa pang eskuwelahan na mayaman sa championship tradition sa sporting world.
"We always believe in SVMGIs vision, which is to push the sport further and bring back the glory days of womens volleyball," wika ni Vic Gregorio, Shakeys Pizza general manager. "Besides, the Shakeys V-League also becomes a breeding ground of (volleyball) talents."
Upang masiguro na magiging mas kapana-panabik ang labanan, ang lahat ng koponan ay dadaan sa mahigpit na double-round eliminations at isa pang double-round semifinals bago tumungo sa championship round na best-of-three series.
Dalawang laban ang ilalaro tuwing Lunes, Huwebes at Sabado na ang tampok sa laban ng elims ay isasa-ere sa sumunod na gabi bawat araw mula alas-7-8 ng gabi sa IBC-13. Ang semis at finals ay ipapalabas ang buong laban sa nasabing araw at ang ikalawang game ay sa sumunod na araw.
"Just by going through the fans response in the first two confe-rences makes us so proud and inspired to continue staging this event, which we believe is good for Philippine sports," wika naman ni SVMGI president Emilio "Jun" Bernardino.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended