Bakbakan na sa Palarong Pambansa

ILOILO City -- Isang makulay at magarbong seremonya ang naging hudyat ng pagbubukas ng 2005 Palarong Pamban-sa dito sa Iloilo Sports Complex kahapon.

Sa kanyang maikling talumpati, hinimok ni Senate President Franklin Drilon ang mga kapwa niya Ilonggo na pagsi-kapang pagtagumpayan ang bawat sports event na sasalihan.

Sina national athletes Sean Guevarra at John Lozada, mga pambato ng Iloilo City, ang siyang nagdala ng 2005 Pala-rong Pambansa Torch patungo sa pagsisindi ng Ceremonial Urn bilang simbolo ng pagbubukas ng event.

Katulad ng inaasahan, nangalay ang Depart-ment of Education (Dep-Ed) sa muli nilang panga-ngasiwa sa Palarong Pambansa matapos ibalik ng Philippine Sports Com-mission (PSC) sa pama-magitan ng isang Memo-randum of Agreement (MOA) noong Abril.

Walang naipalabas na schedule of events ang DepEd hanggang alas-5 ng hapon kahapon at ang tanging nakuha ng media ay ang anim na events ng athletics ngayong umaga.

Ang mga ito ay ang finals sa elementary girls‚ shot put, boys triple jump at girls‚ discuss throw at sa secondary boys‚ javelin throw girls‚ discuss throw at girls‚ high jump.

Pakakawalan naman ang kabuuang 21 bouts sa elimination round ng boxing event, samanta-lang 16 ang nakalista sa swimming competition. (Russell Cadayona)

Show comments