Ito ang ginawang hak-bang ng BAP matapos iatras ng Cebuanna Lhuil-lier ang kanilang pagsu-porta sa national team.
Sa pagpupulong ng BAP Board sa Century Park Hotel na pinangu-nahan ng Presiding Offi-cer na si Christian Tan, Vice-president ng BAP, nilagdaan ang Resolution No. 001-05.
Sa naturang resolus-yon, nakasaad ang ap-preciation ng BAP kay POC president Jose Pe-ping Cojuangco at kay PBA Commissioner Noli Eala sa pagtulong sa BAP sa pagbuo ng National team.
Nakasaad din dito ang pakikipagtulungan ng BAP para sa pagbuo ng National team para sa Olympics, World Cham-pionships, Asian Games, Asian Basketball Confe-deration, Southeast Asian Games, Jones Cup at sa nalalapit na Southeast Asian Basketball Asso-ciation sa July sa Singa-pore.
"The BAP shall extend its full cooperation to the working committee of POC president Jose Cojuangco and the tech-nical committee, training staff and coaching staff jointly created by the PBA and BAP," ayon sa reso-lusyon.
Sinabi naman ni BAP president Tiny Literal na ang desisyong ito ay para sa national interest kaya siniguro niya na susunod ang kanyang asosasyon kay Cojuangco sa kani-lang pag-uusap kahapon.
Gayunpaman, nilinaw ni Literal na nananatili ang autonomy ng kanyang asosasyon.
"Mr. Cojuangco clearly articulated the national interest at stake and I unequivocally support the stand of the POC on the issue and recognize that this arrangement does not in anyway compromise the autonomy of the BAP."
Si coach Chot Reyes ang inatasan ni Cojuang-co na mangasiwa sa pagbuo ng National team para sa SEABA.