Palarong Pambansa ngayon na

ILOILO City--Isang makulay na opening ceremonies ang inaasahang matutunghayan para sa pormal na pagbubukas ng 2005 Palarong Pambansa dito sa Iloilo Sports Complex.

Ang maikling seremonya ay pangungunahan ni Iloilo native Sen. Franklin Drilon bilang special guest speaker kasama sina Gov. Neil Tupas at Mayor Jerry Trenas.

Kabuuang 12 events ang nakalatag para sa elementary class, saman-talang 16 naman ang nakalista sa high school category.

Ayon kina Tupas at Trenas, handang-handa na ang Iloilo City para sa muling pangangasiwa sa naturang annual sports meet na huli nilang pinamahalaan noong 1991, ang taon kung kailan naging punong-abala ng Southeast Asian Games ang Pilipinas.

Inaasahang aabot sa 8,000 student-athetes galing sa 17 rehiyon ang magpapakitang-gilas sa nasabing weeklong event.

Ang mga events na paglalabanan sa elementary ay ang athletics, badminton, swimming, gymnastics, football, lawn tennis, football, archery, baseball, softball, sepak takraw, chess at badminton.

Sa kinakailangang P40 milyon bilang pondo, naglabas na ng P20 milyon ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) bilang suporta, samantalang inaasahan ring tutulong si Drilon.

Ang Iloilo City sana ang tumayong host noong nakaraang taon kundi lamang sa kakulangan ng pondo at hindi maayos na sports facilities. (Ulat Ni R. Cadayona)

Show comments