20 Fil-foreign cagers suspendido
May 8, 2005 | 12:00am
Ang pakay ngayon ng San Miguel Beer ay bumalik sa pakikisosyo sa liderato ng PBA Gran Matador Fiesta Conference ngunit mahihirapan silang gawin ito ngayon sa pagkawala ng kanilang key player na si Danny Seigle.
Epektibo na ngayon ang pansamantalang suspensiyon sa 20-Fil-foreign players kung saan kasama si Danny Seigle at si Dorian Peña matapos mapagkasunduan ng PBA Board na kailangan munang kumpletuhin ng mga ito ang dokumentong nire-require ng PBA bago makabalik sa aksiyon.
Dahil dito, hindi makakasama ng Beermen sina Seigle at Peña sa alas-6:35 ng gabi na pakikipag sagupa sa Sta. Lucia Realty pagkatapos ng sagupaan ng Shell at FedEx sa alas-4:15 ng hapon.
Limang players naman ang hindi makakalaro sa Turbo Chargers na sina Billy Mamaril, Chris Jackson, Rich Alvarez, Kalani Ferreria at ang kanilang key player na si Tony dela Cruz.
Nakatakas sa suspensiyon si Nic Belasco na nakumpleto ang hinihi-nging dokumento at pitong players na binigyan ng clearance ng PBA kasama sina Harvey Carey ng Talk N Text, Ali Peek, Rob Wainwright at John Arigo ng Coca-Cola, Mike Hrabak ng Purefoods at Brandon Lee Cablay ng Alaska.
Magkasama ang Realtors at Turbo Chargers sa three-way-tie sa 6-7 record kabilang ang walang larong Red Bull habang nasa three-way logjam naman ang Express kasama ang Purefoods at Ginebra na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito sa PBA Road Game sa Puerto Princesa, Palawan.
Kasama sa mga sinuspindi sina Eric Menk, Andy Seigle at ang injured na si Jayjay Helterbrand gayundin si Noy Castillo ng TJ Hotdogs ngunit nakalaro pa sina Menk, Seigle at Castillo kagabi dahil ngayon pa lamang ipapatupad ang suspensiyon.
Apektado sa lahat ang Alaska na may anim na Fil-Am players na nasuspindi na kinabibilangan nina Eugene Tejada, Willie Wilson, Joachim Thoss, Rob Johnson at ang mga key players na sina Jeffrey Cariaso at Mike Cortez.
Ang iba pang hindi makakalaro hanggang hindi nakakakumpleto ng dokumento ay sina Rafi Reavis at William Antonio ng Coke at Jimmy Alapag ng Talk N Text. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended