^

PSN Palaro

RP-Pagcor riders sali sa Tour de Korea

-
Matapos maresolba ang problema sa kanilang lisensiya, muling kakampanya ang RP-PAGCOR Casino Filipino Trade Team sa labas ng bansa sa kanilang paglahok sa Tour de Korea cycling classic na magsisimula ngayon sa Seoul, South Korea.

Ang RP riders na inayos ang problema sa Philippine Cycling Federation, maliban kay Lloyd Lucien Reynante, ay nakakuha na ng lisensiya noong nakaraang Linggo para sa mahigpitang Korean event na ito. Ang koponan na pamumunuan ng beteranong si Victor Espiritu, kasama sina Merculio Ramos Jr., Ronald Gorantes, Bernard Luzon, Tomas Martinez Jr., at Joel Calderon, ay suportado ng Pagcor Casino Filipino, Vellum, TCL Project, UCPB Gen at Yehey.com.

Makikipaglaban ang mga Pinoy cyclists sa mga mahuhusay na koponan na kinabibilangan ng defending champion na Marco Polo, Great Asia Racing Team ng Taiwan at Shimano Racing Team ng Japan.

Bukod sa mga bigating siklistang makakalaban, nahaharap din sa matinding pagsubok ang mga siklistang Pinoy sa ruta ng karera na kabibilangan ng apat na akyatin kung saan ang pinakamahabang ruta ay ang 170 kilometers mula sa Yang Yang hanggang Won sa Stage 5 sa Mayo 13.

BERNARD LUZON

CASINO FILIPINO TRADE TEAM

GREAT ASIA RACING TEAM

JOEL CALDERON

LLOYD LUCIEN REYNANTE

MARCO POLO

MERCULIO RAMOS JR.

PAGCOR CASINO FILIPINO

PHILIPPINE CYCLING FEDERATION

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with