Isinalba nina Dandan at Barte, na nagsimulang lumaro lamang noong na-karaang taon ang kampanya ng Filipinos matapos na iposte ang 2-6, 6-3, 6-2 tagumpay laban sa pares nina Hsu-Chun Huang at Hsie-Yin Peng sa doubles ng Junior Davis Cup Asia-Oceania qualifying zone sa Manila Polo Club covered courts.
Binigyan din ni Dandan, na nakatakdang umalis patungong Europe sa susunod na linggo ng panibagong pag-asa ang Philippines nang manaig ito kay Hsien-Yin Peng, 6-2, 6-3 matapos na yumukod si Barte, ipinagmamalaki ng Davao City sa kalabang si Hsu-Chun Huang, 1-6, 2-6 sa opening singles.
Tangka ngayong umaga ng Philippines, na nag-sweep sa elimination round, at ang final berth laban sa Australia, ang top-seed sa isang linggong tournament na ito na suportado ng Wilson balls at Astoria Plaza Hotel.