PBA nilalangaw
May 4, 2005 | 12:00am
Ayan na, naku po, kawawang Phil. basketball.
Sige pa rin ang bangayan at sige pa rin ang di matapos-tapos na awayan kung sino ba talaga ang hahawak ng RP team.
Sa palagay ko, tama si Mang Boy Codiñera sa sinasabi niya na pinili ng BAP si Boysie Zamar bilang coach ng RP team at di siya dapat palitan ng basta ganun-ganun na lang.
Di sakop ng POC ang ligang sasalihan ng RP team na pinagtatalunan nila kaya malaki ang puntong hawak ni Mang Boy.
Kilala namin si Mang Boy-- napakatagal na niya sa basketball. Longer than most of those na pumapapel sa eksena ngayon.
Alam niya ang rules kaya hindi siya maglalakas-loob na magsalita ng ganyan kung hindi siya sigurado sa mga pinag-sasabi niya. Kaya ano pa nga ba ang aasahan natin kundi patuloy na bangayan na naman yan. Kung bakit naman kasi si Chot Reyes ay di na lang mag-concentrate sa RP team na puno ng PBA players para sa ABC.
Kung bakit kasi pati ito ay ibinigay sa kanya.
Bakit ko daw isinusulat na nilalangaw ang PBA lately?
Susmaryosep eh sa talaga namang nilalangaw.
Hinihintay na lang ng mga tao na makarating sa finals ang Ginebra, San Miguel o Talk N Text. Pag dalawa dyan ang nagharap sa finals, babalik na naman ang tao at tataas na muli ang ratings.
Eh papano pa bang makaka-agapay sa ratings sa TV ang PBA eh ang kasabay niyan eh Darna at yung iba pang malalakas na telefantasia sa Channel 2 at Channel 7.
Nagsalita ang isang kakilala namin na kilala ang girlfriend ng isang basketball player na ayaw na ayaw ng nanay ni player. Matagal na silang mag-on pero di pa makasal.
Kung bakit naman daw kasi nakikialam ang nanay sa love affair nung anak. Eh hindi naman sila ang magpapakasal nung babae. Ay naku, matagal nang pakialamera ang nanay niyan.
Pag nagkuwento ako tungkol sa nanay na yan, baka kung ano pa ang maisiwalat ko....
Para sa latest in showbiz or sports news, mag text lang kayo ng Nap On sa 34822 para sa Smart and Talk N Text subscribers. Yun lang at nasa cellphone nyo na ang latest balita.
Sige pa rin ang bangayan at sige pa rin ang di matapos-tapos na awayan kung sino ba talaga ang hahawak ng RP team.
Sa palagay ko, tama si Mang Boy Codiñera sa sinasabi niya na pinili ng BAP si Boysie Zamar bilang coach ng RP team at di siya dapat palitan ng basta ganun-ganun na lang.
Di sakop ng POC ang ligang sasalihan ng RP team na pinagtatalunan nila kaya malaki ang puntong hawak ni Mang Boy.
Kilala namin si Mang Boy-- napakatagal na niya sa basketball. Longer than most of those na pumapapel sa eksena ngayon.
Alam niya ang rules kaya hindi siya maglalakas-loob na magsalita ng ganyan kung hindi siya sigurado sa mga pinag-sasabi niya. Kaya ano pa nga ba ang aasahan natin kundi patuloy na bangayan na naman yan. Kung bakit naman kasi si Chot Reyes ay di na lang mag-concentrate sa RP team na puno ng PBA players para sa ABC.
Kung bakit kasi pati ito ay ibinigay sa kanya.
Susmaryosep eh sa talaga namang nilalangaw.
Hinihintay na lang ng mga tao na makarating sa finals ang Ginebra, San Miguel o Talk N Text. Pag dalawa dyan ang nagharap sa finals, babalik na naman ang tao at tataas na muli ang ratings.
Eh papano pa bang makaka-agapay sa ratings sa TV ang PBA eh ang kasabay niyan eh Darna at yung iba pang malalakas na telefantasia sa Channel 2 at Channel 7.
Kung bakit naman daw kasi nakikialam ang nanay sa love affair nung anak. Eh hindi naman sila ang magpapakasal nung babae. Ay naku, matagal nang pakialamera ang nanay niyan.
Pag nagkuwento ako tungkol sa nanay na yan, baka kung ano pa ang maisiwalat ko....
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended