Nabigo ang Magnolia Wizards na palawigin ang kanilang kalamangan nang magmintis si Jason Misolas sa kanyang dalawang freethrows mula sa foul ni Eugene Tan na nagpako ng kanilang iskor sa 84-83 papasok sa huling .5 segundo ng labanan.
Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang Welcoat na agawin ang panalo sa tulong ni Gueverra na umiskor ng game-winning basket nang kanyang I-follow-up ang nagmintis na attempt ni Coching, may .9 of a second na lamang ang natitirang oras sa laro.
Sinayang ng Paint Masters ang 11-puntos na kalamangan nang ha-yaan nilang gumawa ang Wizards ng 18-4 run upang kunin ang 75-72 kalamangan mula sa free-throws ni Arwind Santos ngunit binigyan ng Fil-Am na si Anthony Washington ng pag-asa sa overtime ang Welcoat nang pumukol ito ng panablang tres para sa kanyang 22-puntos na produksiyon bukod pa sa kanyang 19-rebounds, 3.7 segundo ang natitira sa regulation.
Nakatikim naman ang Toyota-Otis Letran ng kauna-unahang back-to-back win sa torneo matapos dominahin ang kanilang laban kontra sa Negros Navigation-San Beda sa unang laro.
Sa likod ng pagkawala nina Ron Capati, Chad Alonzo at Jeff Tajonera bunga ng karamdaman, naging matagumpay ang Letran Knights sa pag-sulong sa kanilang ikaapat na panalo sa pitong laro matapos ibaon ang Nenaco-SBC sa pangungulelat sanhi ng ikapitong sunod na kabiguan sa gayon ding dami ng laro. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)