^

PSN Palaro

Welcoat nakabalik sa unahan

-
Gumawa ng malaking follow-up basket si Christian Gueverra upang isalba ang Welcoat Paints laban sa Magnolia Ice Cream, 85-84 na nagbalik sa Paint Masters sa pakikisalo sa liderato sa PBL Unity Cup na nagpatuloy sa Pasig Sports Center kagabi.

Nabigo ang Magnolia Wizards na palawigin ang kanilang kalamangan nang magmintis si Jason Misolas sa kanyang dalawang freethrows mula sa foul ni Eugene Tan na nagpako ng kanilang iskor sa 84-83 papasok sa huling .5 segundo ng labanan.

Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang Welcoat na agawin ang panalo sa tulong ni Gueverra na umiskor ng game-winning basket nang kanyang I-follow-up ang nagmintis na attempt ni Coching, may .9 of a second na lamang ang natitirang oras sa laro.

Sinayang ng Paint Masters ang 11-puntos na kalamangan nang ha-yaan nilang gumawa ang Wizards ng 18-4 run upang kunin ang 75-72 kalamangan mula sa free-throws ni Arwind Santos ngunit binigyan ng Fil-Am na si Anthony Washington ng pag-asa sa overtime ang Welcoat nang pumukol ito ng panablang tres para sa kanyang 22-puntos na produksiyon bukod pa sa kanyang 19-rebounds, 3.7 segundo ang natitira sa regulation.

Nakatikim naman ang Toyota-Otis Letran ng kauna-unahang back-to-back win sa torneo matapos dominahin ang kanilang laban kontra sa Negros Navigation-San Beda sa unang laro.

Sa likod ng pagkawala nina Ron Capati, Chad Alonzo at Jeff Tajonera bunga ng karamdaman, naging matagumpay ang Letran Knights sa pag-sulong sa kanilang ikaapat na panalo sa pitong laro matapos ibaon ang Nenaco-SBC sa pangungulelat sanhi ng ikapitong sunod na kabiguan sa gayon ding dami ng laro. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

ANTHONY WASHINGTON

ARWIND SANTOS

CARMELA V

CHAD ALONZO

CHRISTIAN GUEVERRA

EUGENE TAN

JASON MISOLAS

JEFF TAJONERA

LETRAN KNIGHTS

PAINT MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with