Napatalsik ang second seeded na si Bustamante sa kompetisyon matapos matalo kay Japanese Kunihiko Takahashi, 9-7 sa quarterfinals kahapon sa Kaohsiung Business Center dito.
"Parang may sumpa yata," ani Bustamante matapos magkulapso sa 4-rack na bentahe sa kompetisyon na inorganisa ng ESPN Star Sports.
Halos nakalapit na si Bustamante ng magwagi sa dalawang unang round, nagposte ng 7-3 bentahe, matapos ma-ran out sa 10th, ngunit sunod-sunod na bad breaks ang dumale sa kanyang kampanyang unang semifinal appearance sa Tour ngayong taon.
Una ay ang scratch sa 12th na nagbigay daan kay Takahashi na linisin ang mesa kasunod na mintis sa tangkang 1-5 combo sa 14th at empty break sa 16th.
Sa pagkakalatsik ni Bustamante, nag-iisang Pinoy na naiwan ang qualifier na si Ronnie Alcano.
Winasak ni Alcano ang puso ng mga tagarito nang manaig ito sa paboritong si Chao Fong-Pang, 9-8 at umabante sa quartefinals.
Tinalo din ni Alcano si Nguyen Thanh Nam ng Vietnam sa opening round, 9-5.
Habang sinusulat ang balitang ito kasalukuyang nakikipaglaban si Alcano kay meet double leg winner Yang Ching-Shun.
Ang magwawagi sa pagitan nina Alcano at Yang ay makakaharap ang sinuman kina Japanese Satoshi Kawabata o Malaysian Ibrahim Bin Amir na tumalo naman kay Efren Bata Reyes sa second round.