Kung titingnan ang record ng Hotdogs tuwing buwan ng Abril mula noong isang taon ay bokya sila. E, birth month pa naman ni coach Paul Ryan Gregorio ang Abril. April 7 ang birthday ni Ryan, April 6 ang birthday ng kanyang maybahay na si Jean at April 3 ang birthday ng kanyang anak na si Ramon Jose.
So dapat ay swerte ang buwan ng Abril para kay Gregorio at sa Purefoods. Pero noong isang taon ay 0-5 ang naging record ng Hotdogs sa buwan ng Abril.
Bago nagwagi laban sa Shell Velocity ay may five-game losing streak ang Hotdogs. Abay tinutukso na nga si Gregorio na baka ma-break niya ang record at maging 0-6 sila dahil nga malas ang buwan ng Abril sa Hotdogs.
Pero swerte namang sa Balanga Bataan natapat ang ikaanim na laro ng Hotdogs sa buwan ng Abril. Hindi pa kasi natatalo ang Hotdogs sa Balanga sa dalawang nakalipas na out-of-town games.
Hayun at napatid nga ang kamalasan ng Purefoods.
At nagpatuloy naman ang pagsadsad ng Shell Velocity dahil iyon ang ikatlong sunod nilang pagkatalo. Nagsimula ang losing streak ng Turbo Chargers sa Roxas City, Capiz, dalawang Sabado na ang nakalilipas nang sila ay payukuin ng Sta. Lucia Realty, 90-85. Ang ikalawang sunod na pagkatalo ay ipinalasap sa kanila ng Alaska Aces, 98-84 dalawang Biyernes na ang nakararaan.
Dahil nga sa magkasunod na pagkatalo ay pinauwi ng Shell si Wesley Wilson. Sumama kasi bigla ang ugali nito dahil nanghihingi ng increase sa sweldo pagkatapos ng first quarter ng laro. Ano ba yun?
Dumating bilang kapalit ni Wilson si Melvin Robinson na may height na 71. Ang kaso moy pagod sa biyahe si Robinson dahil sa halos dalawang araw itong nagpalipat-lipat ng eroplano bago nakarating sa Pilipinas noong Miyerkules. Nag-walk through lang siya sa practice at pagkatapos ay dumiretso na sa Bataan.
Natural na hindi makakalundag nang maayos si Robinson baga-mat nakagawa naman siya ng 21 puntos. Biruin mong seven footer siya pero pitong rebounds lang ang kanyang nakuha kontra sa 22 rebounds ni Antonio Smith na mas maliit kaysa sa kanya!
Aasenso pa naman daw ang laro ni Robinson, ayon sa mga Shell insiders. Sa ngayon, ang importante para sa Shell ay hindi sila bina-blackmail ng kanilang import. Alam nilang lalaban ito mula umpisa hanggang dulo at kahit paanoy mapapatid din ang kanilang kama-lasan.
Pero teka, teka, napatid nga ang kamalasan ni Gregorio sa buwan ng Abril pero tinamaan naman siya ng sakit.
Pagkatapos ng laro ay namaga ang kanyang mukha at nagpati-ngin siya sa doktor. Hayun at may beke pala siya. Ngek! Hindi tuloy siya makapagpaensayo sa Hotdogs sa mga susunod na araw dahil nakakahawa yun di ba?
Yun ba ang kabayaran ng pagtatapos ng kamalasan?