Reyes, Bustamante nagparamdam
April 30, 2005 | 12:00am
KAOHSIUNG, Taiwan Maningning na binuksan nina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante ang kampanya ng Philippines nang kapwa umiskor ng lopsided na panalo sa third leg ng San Miguel Asian-9-Ball Tour.
Binuksan ni Reyes, ang reigning back-to-back overall champion ang kanyang kampanya para sa sixth leg sa pama-magitan ng 9-2 tagumpay laban kay Wang Hung Hsiang ng Taiwan.
Agad na itinala ng 50 anyos na si Reyes, naki-salo sa top spot para sa ngayong taong Order of Merit sa kababayang si Gandy Valle ang 7-0 kala-mangan, subalit naga-wang maka-iskor ng kanyang kalaban sa score sheet.
Sa kabilang dako naman, lumasap naman si Valle, ang Singapore winner ng 9-4 kabiguan mula sa Japanese heavyweight na si Satoshi Kawabata na naglagay sa kanya sa kumplikadong situwasyon sa event na ito na inorganisa ng ESPN STAR Sports.
Susunod na makakasagupa ni Reyes si Ibrahim Amir ng Malaysia na umiskor ng 9-3 panalo laban kay Wanshana Poomjaeng ng Thailand.
At kung si Reyes ay nagkaroon ng malakas na panimula sa opening round, kinailangan muna ni Bustamante na umatake sa huling pitong frames bago niya naitakas ang 9-2 panalo laban sa isa pang home bet na si Kuo Po-Cheng at itakda ang kanyang second round showdown sa minsan na niyang naging tormentor na si Alok Kumar ng India na pumoste ng 9-4 panalo laban naman sa Filipino qualifier na si Leonardo Dodong Andam.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended