Sariwa pa sa kanilang six-game winning run, paborito ang Jewels sa kanilang pakikipagtagpo sa Snackmasters sa ganap na alas-4 ng hapon.
Tangka ng Jewels ang kanilang ikawalong sunod na panalo sapul nang mapagwagian nila ang Open Championship may dalawang buwan na ang nakakaraan sapul nang lumahok sila sa liga noong 1998.
Sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon, maghaharap naman ang Harbour Centre at Bacchus Energy.
Samantala, idinagdag naman si Ronjay Enrile ng Toyota Otis-Letran sa national aspirants pool para sa SEABA. Dahil sa pagkakabilang ni Enrile umabot na sa 15 PBL players ang nakasama sa national pool.
Hawak pa rin ng Jewels ang imakuladang baraha sa 6-0 at hawak ang liderato sa team standings kasunod ang Welcoat (5-1) at Harbour (4-2). Magkatabla naman mula sa 4th hanggang 5th place ang Magnolia Dairy Ice Cream at Toyota sa 3-3 at inookopahan ng Granny Goose ang 6th place sa 2-3 record habang bahagyang naka-kaangat ang Bacchus (1-5) sa NENACO-SBC (0-6). (Ulat ni Raquel Reyes)