^

PSN Palaro

Awtomatikong semis asam ng Jewels

-
Tangka ng mainit na Montaña Pawnshop na patatagin ang kanilang kampanya sa isa sa dalawang outright semis berth sa 2005 PBL Unity Cup sa kanilang pakikipaglaban sa Granny Goose Kor-nets sa pagpapatuloy ng PBL Unity Cup na lalaro sa JCSGO Gym sa Cubao.

Sariwa pa sa kanilang six-game winning run, paborito ang Jewels sa kanilang pakikipagtagpo sa Snackmasters sa ganap na alas-4 ng hapon.

Tangka ng Jewels ang kanilang ikawalong sunod na panalo sapul nang mapagwagian nila ang Open Championship may dalawang buwan na ang nakakaraan sapul nang lumahok sila sa liga noong 1998.

Sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon, maghaharap naman ang Harbour Centre at Bacchus Energy.

Samantala, idinagdag naman si Ronjay Enrile ng Toyota Otis-Letran sa national aspirants pool para sa SEABA. Dahil sa pagkakabilang ni Enrile umabot na sa 15 PBL players ang nakasama sa national pool.

Hawak pa rin ng Jewels ang imakuladang baraha sa 6-0 at hawak ang liderato sa team standings kasunod ang Welcoat (5-1) at Harbour (4-2). Magkatabla naman mula sa 4th hanggang 5th place ang Magnolia Dairy Ice Cream at Toyota sa 3-3 at inookopahan ng Granny Goose ang 6th place sa 2-3 record habang bahagyang naka-kaangat ang Bacchus (1-5) sa NENACO-SBC (0-6). (Ulat ni Raquel Reyes)

vuukle comment

BACCHUS ENERGY

GRANNY GOOSE

GRANNY GOOSE KOR

HARBOUR CENTRE

MAGNOLIA DAIRY ICE CREAM

OPEN CHAMPIONSHIP

RAQUEL REYES

RONJAY ENRILE

TOYOTA OTIS-LETRAN

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with