Ibabandera ng RP- Purefoods Tender Juicy Hotdogs sa Asian Championship na gaganapin sa Miyazaki Prefecture, Japan ngayong Mayo 19-22.
May pagkakataon ang RP-Purefoods Tender Juicy Hotdogs na masilip ang kakayahan ng mahigpit nilang karibal sa Southeast Asian baseball ang Thailand sa torneong ito.
Bukod sa Thailand, lalahok din sa SEA Games baseball ang Indonesia, Malaysia, Myanmar at Singapore.
Kabilang sa RP-Purefoods Tender Juicy Hotdogs baseball team para sa SEA Games sina: Ernesto Binarao, Roy Baclay, Darwin Dela Calzada, Ruel Batuto, Charlie Labrador, Joseph Orillana, Marlon Caspillo, Junifer Piñero, Wilfredo Hidalgo Jr., Rommel Roja, Andro Cuyugan at Roel Empacis, Christian Canlas, Eric Francisco, Chris-topher Jimenez, Niño Tator, Alejandro Velasquez, Ferdinand Recto, Jonash Ponce, Fulgencio Rances, Ruben Angeles, Edgar Delos Reyes (head coach); at Catalino Lero III at Ricardo Jimenez (assistant coaches).
May kabuuang anim na bansa ang lalahok sa 2005 Asian Baseball Championship kung saan defending champion ang Japan. Lalaro din sa kampeonato ang Taiwan, South Korea at China. Tanging amateur players lamang ang maaaring sumali, malaking kaibahan sa nakaraang championship na pinagharian ng mga professional players. Ang torneo na magsisilbi ring qualifier para sa World Cup ay gagawin sa ilalim ng three-team league format kung saan ang apat na mangungunang koponan matapos ang elimination round ay aabante sa round-robin semifinals para makuha ang dalawang bansang kakatawan para sa Asia sa World Cup na magsisimula sa Setyembre 3 sa Netherlands.