5th win ipininta ng Welcoat

Gumawa ng malaking defensive stop ang Welcoat Paints sa endgame upang mapreserba ang 81-78 panalo laban sa bagitong Harbour Centre sa pag-usad ng elimina-tions ng PBL Unity Cup sa Pasig Sports Center kagabi.

Matapos kunin ng Paint Masters ang delikadong tatlong puntos na kalamangan mula sa dalawang freethrows ni Anthony Washington, 5.9 segundo pa ang nalalabing oras para sa huling posesyon ng Port Masters, nabigong maka-iskor ang Harbour Centre nang maagawan ni Ryan Dy si L.A. Tenorio sa huling play hanggang sa tumunog ang final buzzer.

Nasolo ng Welcoat ang ikalawang puwesto matapos umangat sa 5-1 win-loss slate sa likod ng nangungunang Montaña Pawnshop na may malinis na 6-0 record habang bumagsak naman sa ikatlong posisyon ang Port Masters sanhi ng 4-2 karta.

Sa unang laro sumandal ang Toyota Otis-Letran kina Mark Macapagal, Dennis Daa at Ronald Capati na naghatid ng mahahalagang basket sa huling maiinit na segundo ng labanan upang mapre-serba ang 85-79 panalo laban sa Granny Goose Kornets matapos maupos ang kanilang 19-puntos na kalamangan.

Kontrolado ng Letran Knights ang laro hanggang sa ikatlong quarter nang kanilang ibandera ang 59-40 kalamangan matapos ang 13-4 atake.

Ngunit humataw si JR Quiñahan na bumandera sa 25-9 paghahabol ng Snackmasters upang makalapit sa 65-68 papasok sa final canto bago naagaw ang kalamangan at umabante ng apat na puntos, 72-68. (Ulat ni CVO)

Show comments