Tulad ng sinabi ko, ako po ay nagtatanong lang at nagha-hanap pa ng kasagutan.
Sus naman, di ba obvious?
Sila na nga noh?
Matagal nang hindi nagsasama ang dalawa and in fact, nagka-demandahan pa nga sila.
Dahil inuman ang party, nalasing ang dalawa.
Nagkausap at sa isang iglap, nawala sa party at yun pala ay tumuloy sa isang lugar kung saan naganap ang "milagro".
Ang ending--- nabuntis si misis!
Pero hindi yan naging dahilan para magkabalikan sila.
Hiwalay pa rin sila.
Kawawa naman si misis-- buntis na naman na walang asawa!
Sino si PBA player?
Nakupo, kilalang-kilala nyo siya.....
Nakipaglaban daw ito sa Cebuana Lhuillier at tinambakan ng husto.
Paano mo pa aasahang mananalo yan sa mga PBA team?
Kaya hayun, umuwi tuloy ng di oras at di na nakita sa PBA?
Sa panahong ang hirap ng pera ngayon, bakit kasi naman ang PBA eh kahilig pang mag-imbita ng mga foreign teams?
Hindi naman yan type ng mga Pinoy kaya kita nyo yung laro nila, nilalangaw!
Biro mo ang gastos ng PBA dyan--accomodation, hotel1, pakain, pa-kotse etc. etc.
Hay naku...