Dagdag event hiling ng 20 NSAs
April 27, 2005 | 12:00am
Dalawampung National Sports Associations (NSAs) ang humiling ng karagdagang events para sa Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa taong ito sa November 27-December 5.
Ito ang pahayag ni Philippine Olympic Com-mittee president Jose Peping Cojuangco sa PSA Forum na ginanap sa Manila Pavilion kahapon.
Magkakaroon ng meeting ang Southeast Asian Games Federation sa April 29, kung saan imumungkahi ang mga karagdagang events sa naunang 388-events na naaprubahan na ng POC.
" Hanggang ngayon nag-uusap pa, kaya hindi pa kami makapagbigay ng final decisions," wika ni Mr. Cojuangco hinggil sa nasabing usapin.
Nakasalalay sa mga kinatawan ng 11-member countries ang kapalaran ng mga NSAs para madagdagan ang bilang ng events ng kanilang sports.
Inatasan ni Cojuangco si Philippine Amateur Track and Field Associa-tion president Go Teng Kok namumuno sa Ways and Means Committee na siyang nakipag-ugnayan sa mga NSAs na nais magdagdag ng events. (Ulat ni Racquel Reyes)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended