Magnaye, Legaspi patuloy ang dominasyon

Ipinagpatuloy nina Peter Magnaye at Bianca Legaspi ang kanilang dominasyon sa JVC Badminton Open Juniors Championships matapos na talunin ang kani-kanilang kala-ban sa straight sets at umusad sa semifinal round sa kani-kanilang division sa 14-under division sa SM Marilao nitong weekend.

Pinigil ni Magnaye, ang defending champion, si Jed Perez ng Bulacan, 15-5, 15-9 upang isaayos ang kanilang semifinal match ni JP Babad ng Battledore na nagpabagsak naman kay Roden Rivera ng Bulacan, 15-3, 15-8.

Tampok naman sa iba pang semis match sa boys side ang sagupaan sa pagitan nina Randolph Balatbat at Paul Vivas kung saan kinailangan ng huli na mag-rally para makabawi sa first set na kabi-guan, 15-17 tungo sa 15-7, 15-4 na panalo sa huling dala-wang sets.

Sa kabilang dako, haharapin naman ni Legaspi si Gelita Castillo na nanaig naman kay Jessalam Sampurna, 11-1, 10-0 upang pangunahan ang cast ng semifinal ng girls’ side sa event na ito na itinataguyod ng JVC at SM Super-malls na magsisilbi ring bahagi ng kasalukuyang SM summer sports tour.

Impresibo namang hinataw ni Castillo ang 11-1, 11-3 tagumpay laban kay Kiara Castelo, habang kinuha naman nina Abigael Garcia at Danixa Bolos ang dalawang iba pang semis berth matapos na igupo ang kani-kanilang kalaban--sina May Pamorada, 11-2, 11-4 at Pia Fabros, 11-8, 11-0.

Show comments