^

PSN Palaro

Kapakanan ng Philippine basketball pag-uusapan

-
Kapakanan ng Philip-pine team ang panguna-hing agenda sa pagpu-pulong ngayong hapon ng RP Basketball Committee sa Makati.

Kasama sa naturang komite na nilikha ni Philip-pine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco ang mga pangunahing stake-holders sa Philippine Basketball.

Kabilang dito ang Philippine Basketball Association (PBA), Phil. Basketball League (PBL), Basketball Association of the Philippines (BAP) at mga collegiate leagues.

Tatalakayin sa natu-rang meeting ang nara-rapat sa Philippine team na ipapadala sa nalalapit na Southeast Asian Basketball Association (SEABA) at SEA Games.

"In conjunction with the BAP, the committee will discuss what is best for the Philippine team to the SEABA and SEA Games. Hopefully, we can come up with a strong team that will represent the country," pahayag ni Joey Roma-santa, ang secretary ng komite at Media Bureau Chief ng POC.

Matatandaang ibini-gay na sa PBA ang res-ponsibilidad sa SEABA Games na gaganapin sa June ngunit sinabi ni BAP Secretary general Gra-ham Lim na mas maigi kung amateur teams na lamang ang ipapadala sa naturang torneo.

Ang SEABA ay quali-fying tournament sa Asian Basketball Confederation (ABC) na siya namang tuntungan para maka-sama sa World Cham-pionship gayundin sa Asian Games na siyang puntirya ng PBA. (CVOchoa)

ASIAN BASKETBALL CONFEDERATION

ASIAN GAMES

BASKETBALL

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BASKETBALL COMMITTEE

BASKETBALL LEAGUE

JOEY ROMA

MEDIA BUREAU CHIEF

OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE BASKETBALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with