Italian 5 minasaker ng RP coach Cebuana Lhuillier

Noong nakaraang linggo, inulan ng kritisismo ang RP Cebuana Lhuillier team bunga ng kanilang pagkatalo sa pre-season NBC tournament, ngunit ngayon, ang nasabi ring koponan ay iniangat ang kanilang sarili matapos na iposte 89-25 panalo laban sa bisitang Pirelli club team mula sa Italy.

Inilaro sa adidas Sports Kamp noong nakaraang Biyernes, ipinamalas ng National squad ang kanilang potential at inspiradong paglalaro na mayroon ang team na gumamit ng run and gun play na siyang gamit sa mga international game, nalimita at na -out-rebounded at higit sa lahat pinaglaruan nila ang Italian team.

Inamin naman ni head coach Boysie Zamar na bago ang nasabing laro, ang kanyang pananaw ay ang makapagbigay ng mahigpit na laban sa inaasahang supremidad ng European team, ngunit ng maramdaman na niya ang oportunidad, nagdesisyon ito na ibigay ang lahat at ipakita sa fans kung anong klase ng koponan ang kaya nilang gawin.

Gayunpaman, sa kabila ng impresibo at kumpiyansang ibinigay ng nasabing panalo sa koponan, ipinagdiinan rin ni Zamar na ang koponan ay nananatiling bukas sa anumang pagbabago upang mas maging epektibo ito kumpara sa nagawa nila sa nakalipas na panahon.

"We certainly welcome PBL players and from other leagues as well, who would like to be part of the National team, we just want to emphasize that everyone has to play his heart out for the team, what we need is a total effort by all basketball stakeholders," dagdag pa ni Zamar.

Sinabi pa rin ni Zamar na bagamat ibinigay na ng Cebuana Lhuillier ang kanilang buong suporta para sa team at binigyan rin siya ng kasegurahan ni sportsman-businessman at national team manager Jean Henri Lhuillier ay mananatiling nasa likod ng koponan ang Cebuana Lhuillier kahit na ano pang hamon ang harapin nito.

Show comments