Inihatid nina Kevin Carl Lazo, Darryl Ceballos at Vanessa Faye Acban ang tatlong ginto para sa Dr. Albert na nag-subi ng 21-gold medals noong nakaraang taon sa athletics.
Idinepensa ni Lazo ang kanyang titulo sa boys 12-under 1,500-meter run habang nanguna naman sina Ceballos sa boys 13-15 long jump at Acban sa girls 12-under 1,500m run.
Sa medal tally na inilabas kagabi, nangunguna ang Pandacan sa kani-lang 28-golds, 17-silver at 19-bronze sa tulong ng Manila Seahawks Swimming Team na nagsubi ng 27-golds kamakalawa.
Gayunpaman ay hindi pa isinasama dito ang ibang resulta ng mga natapos nang events ng athletics na magtatapos ngayon.
Pumapangalawa ang Abad Santos na may 21-16-18 gold-silver-bronze, 16 nito ay galing sa Jose Abad Santos High School-Binondo na hu-mataw sa gymnastics.
Dinomina naman ng Padre Gomez Elemen-tary School ang table tennis competition ng palarong ito na suportado ng Red Bull, San Miguel Corporation, Solar Sports, Supper Ferry, Milo, Intra-Sports, Concept Movers, PSC, PAGCOR at Air21, sa pagsubi ng pito sa 10-golds na pinaglabanan.
Humakot naman ang District 6 ng anim na ginto sa badminton at tatlong gold naman sa District 4.